Mga Sanhi – Mga Katotohanan tungkol sa Epilepsy
Maraming sanhi ang epilepsy:
- Pinsala sa utak bago, habang o pagkaraan ng pagsilang, gaya ng:
- Mga depekto sa kaunlaran ng utak
- Perinatal na pinsala sa utak dahil sa pagdurugo o kakulangan ng hangin
- Traumatic na pinsala sa utak sa dakong huli ng buhay
- Genetic na mga depekto
- Lumulubhang mga sakit na may epekto sa utak
- Metaboliko at kemikal na mga sakit
- Mga impeksyon sa sistema ng mg nerbiyo
- Mga tumor at pamumuo ng dugo sa utak
- Toksikong mga reaksyon sa mga gamot at iba pang mga sustansiya
Ang ilan sa maaaring mga sanhi ng nasirang mga selula ng utak – at samakatuwid ay epilepsy – ay maaaring mahadlangan sa pamamagitan ng mabubuting gawi sa pangangalagang pangkalusugan, kaligtasan sa daanan, at kaligtasan sa paglilibang. Halimbawa, bilang isang resulta ng mga aksidente sa sasakyan lamang, 540,000 Amerikano ang dumanas ng mga pinsala sa ulo bawat taon. Halos 20,000 sa kanila ang magkakaroon ng patuloy na mga epileptic seizure bilang resulta. Kung kaya, ang prevention ng epilepsy ay nakatuon sa pag-iwas sa mga pinsala sa ulo at utak sa pamamagitan ng pagsunod sa sumusunod na mga simpleng punto:
- Bawasan ang mga panganib sa ginagawang mga aktibidad sa paglilibang (magsuot ng kasuutang pang-ulo para sa pagbibisekleta, skateboarding, football, baseball; manatiling ligtas kapag nagmamaneho o umaakyat).
- Magmaneho nang ligtas sa lahat ng mga sasakyan (gumamit ng mga seatbelt, sumunod sa mga limitasyon ng bilis ng pagpapatakbo, magsuot ng mga helmet kapag naaangkop).