Paggamot – Mga Katotohanan tungkol sa Epilepsy
Ang sesenta porsiyento humigit-kumulang ng mga epileptic seizure ay maaaring makontrol nang bahagya o ganap sa pamamagitan ng gamot. Kapag nagawa na ang pagkontrol, maraming tao na may epilepsy ay tunay na magiging libre sa pagkakaroon ng seizure sa habang buhay, na nagpapahintulot sa kanilang pumasok sa karamihang uri ng mga trabaho at lumahok sa karamihang iba pang mga uri ng aktibidad. Ang mga bagong gamot na magagamit ay malimit ginagawang posibleng mapanatili o kahit na mapagbuti ang pagkontrol sa seizure na may mas kaunting mga side effect (di kanais-nais na mga epekto), sa gayon nagpapabuti sa kalidad ng buhay. Tanungin ang inyong doktor kung aling bagong mga gamot ang pinakamabuti para sa inyo.
Ang mga gamot na ginagamit upang makontrol ang mga epileptic seizure ay tinatawag na mga antiepileptic drug o AED. Kumikilos ang mga ito sa dalawang pangunahing paraan:
- Sa pamamagitan ng pagpigil sa hindi kanais-nais na aktibidad ng mga nasirang neuron, kaya’t pinabababa ang electrical discharge.
- Sa pamamagitan ng pagbabawas sa pagtugon ng mga kalapit na mga normal neuron, sa gayon hinaharang ang pagkalat ng mga sobrang electrical discharge sa ibang mga bahagi ng utak.
Ang layunin ng taong may epilepsy ay humanap ng partikular na gamot o kombinasyon ng mga gamot na magpapataas sa pagkontrol ng seizure habang nagpapababa sa mga side effect. Malimit itong nangangailangan ng panahon ng pakikipagtulungan sa eksperimento at obserbasyon habang ang mga gamot ay sinusubukan at ang mga dosis ay binabago hanggang makamit ang ninanais na mga resulta.
May ilang taong may epilepsy na nagkakaroon ng mga seizure na hindi sapat na napipigilan ng mga gamot. Para sa maraming mga taong ito ang iba pang mga pamamaraan ng paggamot ay magagamit na ngayon. Ang resective surgery ay higit na ninanais na opsiyon para sa mga taong may mga bahagyang seizure na nagmumula sa nag-iisang pokus na nasa lugar na maaaring sumailalim sa siruhiya. Sa resective surgery, kinakilala ang bahagi ng utak kung saan nagmumula ang mga seizure at inaalis ito.
Para sa mga taong hindi karapat-dapat para sa resective surgery, ang vagus nerve stimulator (VNS) ay isa pang opsiyon. Sa VNS, naglalagay ng isang uri ng pacemaker na aparato sa dibdib na nakakabit sa isang kawad na bumabalot sa vagus nerve at pinapagana ito ng isang electric discharge. Ang VNS ay nagiging epektibo sa pagbabawas ng dalas at paglala ng seizure (bagaman bihirang nawawala ang mga ito nang lubusan) sa maraming tao. Mayroong iba pang uri ng mga stimulator na kasalukuyang dinidisenyo.
Ang ketogenic diet, ang diyetang mababa sa mga carbohydrate at mataas sa taba ay ginagamit kung minsan, higit na karaniwan sa mga bata. Ito ay isang napakahigpit na diyeta na kadalasang inuumpisa sa ospital at nangangailangan ng masusing pamamahala. Mayroong ilang mga binagong diyetang ginagamit din na nagtagumpay.
Ang mga taong karapat-dapat para sa anuman sa mga pamamaraang ito ay sumasailalim sa masusing pagsusuri upang malaman kung sila ay angkop para sa mga paggamot na ito. Ang mga pamamaraang ito sa kalahatan ay makukuha lamang sa mga sentrong pangmedikal na espesyalista sa paggamot ng epilepsy.