Pagsusuri – Mga Katotohanan tungkol sa Epilepsy
Ang wastong pagsusuri ng isang seizure disorder ay napakahalaga upang makapagtakda ng angkop na paggamot, at makamit at mapanatili ang nakabubuti at produktibong pamumuhay. Ang maling pagsusuri ay maaaring maging sanhi ng pananatili ng mga seizure. Ang pinakamainam na paraan upang masuri ang epilepsy ay sa pamamagitan ng maingat na obserbasyon at dokumentasyon ng mga sintoma, kasama ng masusing medikal na eksaminasyon, kabilang ang pagtataya ng kasaysayang medikal ng tao at pamilya, at angkop na neurological testing.
Maingat na obserbasyon at dokumentasyon ng mga sintoma:
Malamang na ang inyong doktor ay maaaring hindi kailanman kayo makikita sa aktuwal na pagkakaroon ng seizure; bagama’t maraming mga tao ngayon ang mayroong mga aparatong elektroniko na maaaring ma-videotape ang tao. Mahalaga ang eksaktong paglalarawan sa kung ano ang nangyayari habang nagkakaroon ng seizure. Makakatulong ito sa inyong doktor na pagpasyahan ang mga opsiyon sa paggamot.
Ang mga sumusunod na panuntunan ay makakatulong sa inyong magbigay ng wastong paglalarawan:
- Ilarawan, nang eksakto hanggang maaari, ano ang inyong naobserbahan ayon sa sunod-sunod na pangyayari.
- Sa dahilang ang tagal ng pangyayari ay mahalagang impormasyon para sa doktor, mangyari lamang na orasan ang seizure hanggat maari.
- Kung posible, ang tao na may epilepsy o isang miyembro ng pamilya ay dapat magbuo ng isang talaan ng seizure na may mga petsa, oras ng araw, anumang mga dahilang nagpapabilis o nagpapasimula at mga paglalarawan ng mga seizure. Ang mga paglalarawang ito ay maaaring magsama ng sumusunod na impormasyon:
- Mayroon bang narinig na iyak at/o iba pang mga tunog?
- Mayroong bang pagtitig kung saan ang tao ay hindi sumagot o mukhang nananaginip ng gising o abala?
- Mayroon bang anumang paghaltak o pag-alog ng anumang mga bahagi ng katawan?
- Mayroon bang anumang kawalan ng pagdumi o pagkontrol ng pantog?
- Ang tao ba ay nagmukhang walang malay?
- Naobserbahan ba ninyo ang pagkilos gaya ng paggawa ng biglang ingay sa pamamagitan ng pagbubukas at pagtikom ng mga labi, paghuni, pagpindot sa mga damit, mabilis na pagkurap ng mata, o paggala-gala sa paligid sa paraang nalilito?
- Pagkatapos ng seizure, ang tao ba ay nalilito, inaantok, o tuliro?
- Naaalala ba ng tao ang anumang karanasang pandamdam gaya ng masamang amoy, pangingilig, pagdama ng takot, at iba pa?
Ang masusing medikal na eksaminasyon kabilang ang pagtataya ng medikal na kasaysayan ng tao at pamilya:
Ang wastong personal na kasaysayan ng tao ay napakahalaga, gayon din ang kasaysayan ng pamilya. Isang magandang ideya na tanungin ang mas matatandang kamag-anak tungkol sa mga seizure sa pamilya, sa dahilang ang impormasyong ito kung minsan ay pinapanatiling nakatago sa mga pamilya.
Angkop na neurological testing:
Ang medikal na propesyon ay gumagamit ng iba’t ibang mga paraan upang suriin ang epilepsy mula sa laboratory testing hanggang sa mga imaging technique.
- Sa karaniwan, ang EEG (electroencephalogram) ay isinasagawa. Itinatala ng EEG ang elektrikal na aktibidad at mga pattern ng utak.
- MRI (magnetic resonance imaging) ay maaaring maisakatuparan. Ang mga imahe ng MRI ay mga larawan ng utak. Maaari nitong ibunyag ang mga tumor, nasugatang tisyu at mga pagbabago ng istruktura.
- Sa ilang mga kaso maaaring mangailangan ng inpatient hospital video/EEG monitoring sa isang komprehensibong sentro ng epilepsy.
Tandaan na ang pagdanas ng isang seizure o isang kaganapan na mukhang isang seizure ay hindi nangangahulugan na ang tao ay may epilepsy. Kabilang sa ilang mga kondisyon na mali ang naging pagsusuri ay:
- Mga febrile seizure, ang seizure na karaniwan sa mga bata na dahilan ng mataas na temperatura
- Mga maiikling pagpigil sa hininga
- Transient ischemic attacks (TIA), maikling mga paggambala ng daloy ng dugo sa utak
- Mga psychiatric disorder: mga panic attack, psychogenic seizure
- Syncope
- Tic